Saturday, August 23, 2008

Huling Text

8:00 am

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang maalala kong naka-tulog akong bukas ang radio. Dumilat ang aking mga mata at na patingin sa orasan, "alas otso na pala.." yan ang mga salitang pumasok sa isipan ko.

Nanatili akong naka-higa at inabot ang radio para patayin. Kinuha ko naman ang aking "antique" na Nokia3100 (oO, antique na nga.. dahil 4 years na ito sa akin^ü) na katabi lang ng radio para magbasa ng mga texts kung meron man. . . .

(4 MESSAGES RECEIVED)

(OPEN)

"Uy! 2 text galing kay `tol" Binasa ko . . kowts pala na may SWEETDREAMS sa huli. "ako kaya nag-pasa nito?!" - nasabi ko nang mabasa ko ang kowt na pinasa ko sa kanya kagabi lang.

(BACK)

(SCROLL DOWN)

Binasa ko ang na titirang 2 text na galing sa iisang tao., (pangalanan natin siya bilang "sender")

Unang Text: "Nakauwi na rin..sliptyt **** q" Sabay tingin sa oras nang pagkakasend sa akin ni sender.. 2:06am

(BACK)

(SCROLL DOWN)

Huling Text: Inuna ko muna tignan ang oras ng pagkakasend - 2:o7am. >*basa*< "ANO `TO!?!" Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga letrang naka lagay sa cellphone ko. . . .
"Nakauwi na rin..sliptyt ****, i love u"


Tumigil ang mundo ko . . .





Ang dibdib ko, sumikip. Parang kusang tumigil ang Respiratory Sstem ko sa pag-function. . .

Pumatak ang luha ko na nagmula sa aking kaliwang mata.


Hindi ko alam ang gagawin o iisipin sa mga oras na `yon.. "haaay!" isang malalim na bugtong-hininga at nasabi ko sa sarili ko "Buti nalang na wrong send, kung hindi. . . ." hindi ko na alam ang susunod na salita.....ayoko na rin alamin.

Huling Kataga: OUCH!



***
Ang bigat ng pakiramdam ko. Lalo na nang amini ko ang tunay na nararamdaman ko, pero, kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko, nawala din "yata" ang nararamdamn ko. . Tulad ng isang bond paper ang pakiramdam ko, MALINIS at BLANGKO.

Si sender, nilabas na yata lahat ng saloobin nya samantalang ako, mejo lang. . Hindi kasi ako ganun ka-verbal para magsabi. Still, we both share our tears on the situation.



1:02pm

Katulad ng isang mainit na plantsa na dinaan sa lukot ng damit, na ayos ang lahat. Okey na ulit kami. Buong akala ko, mawawala na si sender sa buhay ko.. Tsk!Tsk! sayang naman kung nagkataon. MABUTI NALANG! nakinig ako, inintindi ko.. -mga bagay na hindi ko naman ginagawa noon.

"Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso . . . Extension ng puso ang tenga, kaya kung marunong ka MAKINIG, marunong ka magMAHAL"

-Bob Ong

No comments: